Globe pinagtibay ang kooperasyon sa LGUs, PNP laban sa cable theft

By Jan Escosio October 06, 2023 - 02:56 PM

Pinaigting ng Globe ang pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at pulisya para maputol na ang pagnanakaw ng mga kable.

Nagbunga na ang pagsusumikap ng Globe sa pagbaba ng mga kaso sa 746 noong Enero hanggang Mayo ngayon taon mula sa 1,876 kaso sa katuilad na panahon noong 2022.

Pagpapakita ito nang pagbaba ng 60 porsiyento.

Base sa datos pinakamaraming kasong naitala sa Cebu City sa 498 insidente;  Quezon City, 171; kaso; Manila, 161; Mandaue City, Cebu,  118; Valenzuela City, 73; Malabon City, 67; Pasig City, 64; at Liloan at Consolacion, Cebu, na may tig- 62 kaso.

“Cable theft is a criminal act punishable by law. We work together with authorities and communities to combat this illegal activity to ensure undisrupted service. With consistently available connectivity, we will be able to support our customers in education, work and livelihood, and provide critical communication services in case of disasters and other emergencies,” ani Raymond Policarpio, vice president ng Globe At Home Broadband Business.

“As part of its proactive approach to addressing cable theft, Globe continuously collaborates with our partner local government units and local law enforcement agencies so that together, we can bring a holistic solution to this problem. We look forward to stronger cooperation with our partners to bring cable theft numbers further down,” sabi naman ni Patrick Gloria, vice president for External Affairs.

Bukod sa pagnanakaw ng kable, ang Globe ay patuloy ring nakapagtatala ng insidente ng pagnanakaw sa iba’t ibang pasilidad.

Sa unang kalahati ng taon, ang Globe ay nagtala ng 1,545 insidente, kabilang ang pagnanakaw ng mga baterya, fuel at iba pang electronics at facility hardware.

Nagbunga ang mga ito ng  207 outages hanggang May 2023 sa 124 lugar.

Pinaigting ng Globe ang kampanya nito laban sa cable theft sa pamamagitan ng Bantay Kable Program nito, kasama ang PNP at LGUs, sa nakalipas na ilang taon. Noong August 2022, ang Globe ay nakiisa sa isang industry-wide initiative na tinawag na “Oplan Kontra Putol” upang maipaalam sa publiko ang hinggil sa illegal cable cutting kasama ang iba pang cable at telecom providers sa bansa.

Panawagan din nila sa mga awtoridad na ipatupad ang Republic Act No. 10515, o ang Cable Theft Act, na ginawang krimen ang intentional cable cutting.

Upang hindi mahikayat ang mga tao na magnakaw ng copper wires, pinapalitan ng kompanya ang copper wires ng Fiber na tinitiyak ang access sa mabilis at maaasahang internet. Hindi tulad ng copper, ang fiber optic cables ay walang resale value at hindi tinatanggap sa junk shops.

TAGS: cable, Globe, theft, cable, Globe, theft

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.