LTO may 1.2 milyong plastic driver’s license cards na

 

Mayroon nang plastic driver’s license cards ang Land Transportation Office.

Pahayag ito ng LTO matapos maubusan ng plastic cards kamakailan.

Ayon lay LTO chief Vigor Mendoza, mayroon nang 1.2 milyong plastic cards ang ahensya.

Maaari aniyang magtungo sa kanilang tanggapan hanggang Oktubre 31, 2023  ang mga may hawak na expired na driver’s license mula Abril 1 hanggang Abril 30.

Maari rin aniyang kumuha ng olastic cards na lisensyaang naisyuhan ng papel na lisensya.

Sabi ni Mendoza, oras na hindi nai-renew ang driver’s license ng hanggang Oktubre 31, 2023 ang napaso nilang  lisensya mula noong Abril 1 hanggang Abril30 ay may kaukulang multa na ito mula Nobyembre 1,2023.

Ang mga driver na ang lisensiya ay  napaso  mula Mayo 1 hanggang Mayo 30, 2023 ay maaaring magpunta sa alinmang  LTO branches hanggang Nobyembre 30,2023 samantalang ang mga expired license mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 30, 2023 ay maaaring magpunta sa LTO hanggang Disyembre 31, 2023.

Sinabi ni Mendoza na kapag nagtungo sa LTO ang mga driver nang lampas sa itinakdang mga araw ay maaari na silang pagbayarin ng multa.

Tinaya ni Mendoza na sa Marso 31,2024 ay wala nang backlog ang LTO sa driver’s license dahil mula kahapon ay patuloy ang pagdedeliver nila ng plastic cards sa lahat ng rehiyon sa bansa upang mabigyan ng plastic drivers license ang mga motorista.

Read more...