Makati City naghain ng status quo ante order laban sa Taguig
Naghain ng status quo ante order sa Taguig Regional Trial Court Branch 153 ang Makati City para kasong may titulong “Municipality of Taguig (Now City of Taguig) v. Municipality of Makati (Now City of Makati) et. al.”, Civil Case No. 63896.
Inihain ni Makati Mayor Abby Binay kasama sina City Administrator Claro Certeza at City Legal Officer Michael Camiña ang urgent motion para pigilan ang mga pagtatangka ng Taguig CIty na sapilitang ipatupad ang desisyon ng Korte Suprema nang walang writ of execution mula sa trial court, at bago pa matiyak ang mga hangganan ng parcel 3 at 4 ng Psu-2031.
Ang status quo order na kahalintulad ng cease-and-desist order ay isang kautusan na panatilihin ang huling aktuwal na maayos at mapayapang kalagayan bago maganap ang kontrobersiya. Hindi naman nagbabago ang pasya ng Korte Suprema na ang isang status quo order ay kinakailangan upang maisulong ang ikabubuti ng nakararami at maprotektahan ang kapakanan ng publiko.
Nais lamang ayon kay Binay na maging maayos ang pagpapatupad ng Supreme Court decision nang hindi gaanong magagambala ang mga residente at tuloy-tuloy pa rin ang paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa mga apektadong lugar.
Tinukoy ng Makati ang ilang mga nakakaalarma at nakakalitong insidente, tulad ng tangkang pagpasok ng Taguig sa loob ng isang housing project na pag-aari ng Makati at sapilitang pag-angkin sa public school buildings at health centers sa mga apektadong barangays.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.