Bagyong Jenny humina na

By Chona Yu October 06, 2023 - 07:14 AM

 

Tuluyan nang humina ang Bagyong Jenny at hindi na nakaapekto sa bansa.

Base sa 5:00 a.m. advisory ng Philippine Atmospehric, Geophysical and Astronomical Services Administration, namataan ang sentro ng bagyo sa 385 kanluran hilagang-kanluran ng Itbayat, Batanes.

Kumikilos ang bagyo sa kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Taglay ng bagyo ang hangin na 120 kilometro akda oras at pagbugso na 150 kilometro kada oras.

Wala nang Tropical Cyclone Wind Signal na itinaas ang Pagasa.

Humina na rin ang epekto ng bagyo sa Southwest Monsoon.

 

TAGS: bagyong jenny, basco, batanes, news, Pagasa, Radyo Inquirer, bagyong jenny, basco, batanes, news, Pagasa, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.