Ayon kay Visaya, may naririnig na siya noon pa hinggil sa pakikipagsabwatan ng mga local na opisyal sa bandidong grupo.
Pero aminado si Visaya na mahirap papanagutin ang mga itinuturong mga namumuno sa mga lokal na pamahalaan na nakikipagsabwatan sa mga bandidong grupo dahil pagdating anya sa korte ay wala nang gustong tumestigo sa takot na malagay sa panganib ang kanilang buhay.
Tiniyak naman ni Visaya na pag-upo niya bilang chief of staff, tututukan niya ang Sulu, Basilan at iba pang lugar kung saan naroroon ang malaking pwersa ng ASG.
Bibisitahin niya umano ng personal ang kanyang mga sundalo para makita ang tunay nilang sitwasyon at ang ongoing military operations at hindi tanggap lang ng tanggap ng report o briefing.
WATCH: Panayam kay incoming AFP Chief of Staff, Lt. Gen. Ricardo Visaya | @iamruelperez pic.twitter.com/1yBCGAl7sv
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) June 28, 2016