Abu Sayyaf, may kasabwat mula Brgy. Captain hanggang Gobernador

By Ruel Perez June 28, 2016 - 10:24 AM

Abu SayyafInamin ni incoming Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, Lt. Gen. Ricardo Visaya na may mga opisyal ng mga Local Government Units (LGUs) ang kasabwat ng grupong Abu Sayyaf.

Ayon kay Visaya, may naririnig na siya noon pa hinggil sa pakikipagsabwatan ng mga local na opisyal sa bandidong grupo.

Pero aminado si Visaya na mahirap papanagutin ang mga itinuturong mga namumuno sa mga lokal na pamahalaan na nakikipagsabwatan sa mga bandidong grupo dahil pagdating anya sa korte ay wala nang gustong tumestigo sa takot na malagay sa panganib ang kanilang buhay.

Tiniyak naman ni Visaya na pag-upo niya bilang chief of staff, tututukan niya ang Sulu, Basilan at iba pang lugar kung saan naroroon ang malaking pwersa ng ASG.

Bibisitahin niya umano ng personal ang kanyang mga sundalo para makita ang tunay nilang sitwasyon at ang ongoing military operations at hindi tanggap lang ng tanggap ng report o briefing.

 

TAGS: incoming AFP chief of staff Ricardo Visaya, incoming AFP chief of staff Ricardo Visaya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.