Banggaan ng bangka sa Pangasinan na ikinasawi ng tatlong mangingisda, aksidente ayon sa PCG

By Chona Yu October 05, 2023 - 05:24 PM

 

Isang aksidente ang banggaan ng bangka ng mga Filipinong mangingisda at dayuhang crude tanker sa Pangasinan na ikinasawi ng tatlo katao.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon Public Briefing, sinabi ni Philippine Coast Guard for the West Philippine Sea spokesman Commodore Jay Tarriela na base sa inisyal na imbestigasyon, hindi sinadya ang banggaan.

Wala aniyang intensyon ang dayuhang tanker na banggain ang bangka ng mga Filipinong mangingisda.

Tumutugma aniya ito sa mga testimonya ng nakaligtas na mga mangingisda na nang nangyari ang insidente ay masyadong madilim ang bahagi ng karagatan kung saan naroon ang kanilang mother board, masama ang lagay ng panahon  kaya may posibilidad na hindi nga sila napansin ng malaking barko.

Una rito ay nilinaw na ng PCG na walang kinalaman ang China sa nangyaring aksidente at malayo sa Bajo de Masinloc ang pangyayari kundi mas malapit sa bahagi ng Pangasinan.

Sinabi pa ni Tarriela na lumalabas din sa kanilang mga data na isang nautical highway ang bahagi ng karagatan kung saan nangangawil o naglagay ng payao ang mga mangingisda.

Ibig sabihin,  sadyang daanan ng marami at  malalaking barko  ang lugar.

Dahil dito, sinabi ni Tarriela na para sa mga susunod na hakbang,  imumungkahi  nila na huwag mangisda o maglagay ng payao sa mga lugar na nagsisilbing nautical highway  ng mga barko.

 

TAGS: bajo de masinloc, banggaan, news, PCG, Radyo Inquirer, bajo de masinloc, banggaan, news, PCG, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.