Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tuloy ang suporta sa mga magsasaka, consumers at iba pa.
Pahayag ito ni Pangulong Marcos matapos pumalo saa 6.1 percent ang inflation noong buwan ng Setyembre.
Sabi ng Pangulo, tuloy ang ayuda sa mga pinakaapektadong sektor kabilang na ang mga magsasaka at consumers.
Halimbawa na ang Food Stamp Program ng Department of Social Welfare and Development.
Magbibigay rin daw ang ahensya ng P10,000 cash subsidy sa 78,000 mga magsasaka na kabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Bukod pa rito ay may P5,000 ayuda sa mga magsasaka na pandagdag sa gastusin nila sa pagtatanim.
Binanggit rin ng Palasyo ang tinaasan na ang buying price ng palay ng National Food Authority.
Gayundin ang inilunsad na fuel subsidy sa higit 74,000 public utility vehicles.