Ilang cabinet members sinilip ni Zubiri sa bumabang rating ni PBBM Jr.

By Jan Escosio October 04, 2023 - 06:28 PM

SENATE PRIB PHOTO

Nakakasama at hindi nakakatulong ang ilan sa mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Marcos Jr.

Ito ang sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri kayat aniya makakabuti na palitan na ang ilan sa mga ito.

Paniwala ni Zubiri, ito ang dahilan sa pagbaba ng 15 porsiyento ng approval rating ng Punong Ehekutibo.

Sa huling Pulse Asia survey, mula 80 porsiyento ay bumaba sa 65 porsiyento ang approval rating ni Pangulong Marcos Jr.

Tinukoy sa resulta ang mataas na halaga ng mga pangunahing bilihin, ang sitwasyon ng bigas, sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS) at ang secret funds ng ilang ahensiya, na mga maiinit na isyu nang isagawa ang survey noong nakaraang buwan.

Giit ni Zubiri, dapat bantayan at alamin ng mga kinauukulang ahensiya ang dahilan nang  pagsirit sa presyo ng mga bilihin.

Hindi naman pinangalan ni Zubiri ang mga miyembro ng gabinete na dapat nang maalis ngunit aniya tatlo o apat na ahensya ng gobyerno ang dapat tingnan sa suliranin na ito.

TAGS: Cabinet, Inflation, pulse asia, zubiri, Cabinet, Inflation, pulse asia, zubiri

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.