Presyo ng gasolina nasa P42; diesel halos P29 na dahil sa panibagong dagdag-presyo

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Dahil sa muling pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong umaga ng Martes, nasa P42 na ang presyuhan ng kada litro ng gasoline at halos P29 naman ang presyo ng kada litro ng diesel sa mga gasolinahan sa Maynila.

Sa monitoring ng Radyo Inquirer sa Lungsod ng Maynila ang presyo ng Chevron sa Pedro Gil, Sta. Ana malapit lamang sa paanan ng Lambingan bridge ang presyo ng diesel ay P28.75 habang ang gasoline ay P41.50.

Ang presyo naman ng Petron sa Pedro Gil panulukan ng Tejeron, Sta. Ana sa Maynila, ang diesel ay P28.65, ang gasolina ay P42.35 at ang kerosene ay P33.45.

Habang sa katapat na Shell Gasoline station, ang diesel ay P28.70 at ang gasolina ay P41.35.

Mas mababa naman ang presyo ng small player na Clean Fuel na katapat lamang ng nasabing mga gasolinahan kung saan ang presyo ng diesel ay P26.60 at ang gasolina naman ay P36.30.

Mababa rin ang presyo sa Seaoil sa San Gregorio St. malapit lamang sa Quirino Avenue Extension sa Paco Maynila dahil ang presyo ng diesel ay P27.10 at ang gasolina ay P38.65.

Read more...