Padilla inihirit sa DILG mabilis na proseso sa ASG surrenderees

By Jan Escosio October 04, 2023 - 04:56 PM

SENATE PRIB PHOTO

Sinabi ni Senator Robinhood Padilla na dapat ay minamadali ng Department of Interior and Local Government (DILG) at iba pang ahensiya ang pag-prosso ng mga benepisyo ng mga miyembro ng anumang armadong grupo na nagbalik-loob sa gobyerno.

Binanggit ito ni Padilla kay Interior Sec. Benhur Abalos sa pagdinig ng 2024 budget ng kagawaran sa Senado. “Kasi matagal na sila, ang tagal na nito nag-surrender. Napasa-pasa na galing AFP tapos DILG. Napakahalagang harapin ito at alam kong hinaharap ninyo… Sabi nga nila, to win battles, we have to win hearts and minds. Kung sa labanan lang mahirap patunayan yan, ang kailangan makuha natin puso at kaisipan ng mga rebelde at siyempre po bilang kayo po ang nasa DILG napakahalaga po na mabigyan nyo ng pansin ang mga returnees na ito,”  sambit ng senador. Paliwanag naman ng DILG ang kanilang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ang sumisiyasat muna para malaman kung karapatdapat ang dating terorista sa mga benepisyo. Pagtitiyak na lamang din ni Abalos na gagawa siya ng paraan upang masunod ang nais ni Padilla.

TAGS: Budget, DILG, Padilla, rebel returnees, Senate, Budget, DILG, Padilla, rebel returnees, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.