Apat na inasunto sa rice smuggling inalisan ng maskara ni PBBM Jr.

Pinangalanan na ni Pangulong  Marcos Jr. ang apat na rice traders na kinasuhan ng pamahalaan ng smuggling at hoarding.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa pamamahagi ng bigas sa Taguig City, tinukoy nito ang San Pedro Warehouse and Blue Sakura Agri Grain Corporation, ang F.S. Ostia Rice Mill, at ang Gold Rush Rice Mill.

Patong-patong na kaso aniya ang kinakaharap ng apat dahil sa pagpupulist ng bigas sa bansa.

Sabi pa nito, hindi papayag ang administrasyon na mamayagpag ang mga mapagsamantalang negosyante na pumipinsala sa kabuhayan ng mga Filipino at sa buong sektor ng agrikultura.

“Binabalaan ko ang mga sumasabotahe sa ating ekonomiya: Kayong mga smuggler, kayong mga hoarder, at sindikato, tigilan na ninyo ang mga masama ninyong gawain,” babala ng Punong Ehekutibo.

Sa ilalim ng Republic Act No. 10845, sinumang mapatunayang nagpupuslit ng produktong agrikultural ay maaaring makulong habang buhay at magmulta nang doble sa halaga ng inyong mga kontrabando kasama ng kabuuang halaga ng mga buwis, pananagutan, at iba pang mga bayarin,” dagdag paalala pa nito.

Read more...