QC official nababahala sa pagtaas ng MM road rage cases
Nangangamba ang Peace and Security Administration ng Quezon City Government sa posibleng pagtaas ng road rage cases sa Metro Manila.
Sa QC Journalist Forum, sinabi ni Dr. Anna Victoria Faltado, dahil sa balik normal na ang pamumuhay matapos dahil sa COVID 19 pandemic, marami ng motorista ang bumibiyahe ngayon.
Mula Enero hanggang Agosto ngayon taon, nasa 232 road rages cases ang naitala sa Metro Manila.
Aniya ang road rage cases ang ikalawa sa mga kaso sa kalsada habang nangunguna sa listahan ang drunk driving.
Sinabi naman ni Quezon City Coun. Ranulfo Ludovica, chairman ng Committee on Public Order and Safety, mayroon ng Road Rage ordinance sa lungsod.
Sa ilalim ng ordinansa, P5,000 ang multa sa mga motoristang nasasangkot sa road rage.
Ayona naman kay Dexter Cardenas, hepe ng QC Transport and Traffic Management Department, ang tanggapan ay patuloy na may training sa mga tauhan upang mapayapa ang sitwasyon kung may road rage incident sa lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.