Stable rice supply hanggang sa pagtatapos ng taon

INQUIRER PHOTO

Kumpiyansa ang isang opisyal ng Department of Agriculture na magiging “stable” na ang suplay ng bigas sa bansa simula ngayon buwan hanggang sa pagtatapos ng taon.

Sinabi ni Bureau of Plant Industry Dir. Gerald Panganiban, nagsimula na ang panahon ng anihan.

Aniya ngayon buwan, inaasahan na aabot sa 1.9 milyong metriko tonelada ng bigas ang maaani.

Bunga nito, madadagdagan ang “buffer stock” ng bigas ng hanggang 74 araw mula sa kasalukuyang 52 araw.

Napuna ang pagbaba ng presyo ng mga bigas nang ipatupad noong nakaraang buwan ang “price cap” base sa utos ni Pangulong Marcos Jr.

Kanina ay binaw na ng Punong Ehekutibo ang itinakdang P41 sa kada kilo ng regular milled rice at P45 naman sa kada kilo ng well milled rice.

Read more...