May layoff at contractualization sa mga college professor dahil sa K to 12
Isiniwalat ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Party-list Rep. Antonio Tinio na nagkaroon ng malawakang tanggalan ng mga propesor sa pribado at pampublikong kolehiyo dahil sa implementasyon ng K to 12 program.
Sinabi ni Tinio na ang nakalap niyang impormasyon ay mula mismo sa testimonya ng mga faculty member at mga kinatawan ng public at private colleges and universities sa bansa.
Ayon sa kongresista, bigo umano ang gobyerno na tuparin ang ipinangakong assistance sa maapektuhang mga empleyado.
Aniya pa, kung hindi naapektuhan ng mass removal, naging contractual naman ang trabaho ng maraming guro.
Inihalimbawa ni Tinio ang nangyari sa dalawampu’t isang propesor ng Miriam College na sapilitang pinag-resign sa ilalim ng Early Separation Program, pero pinalabas daw ng paaralan na boluntaryo.
Sa University of Sto. Tomas naman, inalis na ang mga part-time at fixed-term faculty dahil sa umano’y end of contract at sinabihang mag-reapply na lang sa Senior High School program.
Babala ni Tinio, sakaling kunin ng Department of Education ang mga natanggal na guro, mas mababa naman ang kanilang sahod dahil balik sila sa pagiging Teacher I.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.