PBBM Jr., sinabing tutugisin ang barko na nakapatay ng 3 Pinoy fishermen

PCG PHOTO

Papanagutin ni Pangulong  Marcos Jr. ang foreign commercial vessel na bumangga sa sinasakyang bangka ng mga  mangingisdang Filipino na ikinasawi ng tatlong  katao sa Bajo de Masinloc.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., gagawin ng pamahalaan ang lahat ng paraan para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng tatlo. “We assure the victims, their families, and everyone that we will exert every effort to hold accountable those who are responsible for this unfortunate maritime incident,” pahayag ni Pangulong Marcos Jr. Sa ngayon, sinabi ni Pangulobg Marcos Jr.,  nagsadagawa na ang  Philippine Coast Guard (PCG) ng backtracking at checking sa lahat ng  monitored vessels  sa Bajo de Masinloc. “Let us allow the PCG to do its job and investigate, and let us refrain from engaging in speculation in the meantime.,” pahayag ni Pangulong Marcos. “We are deeply saddened by the deaths of the three fishermen, including the captain of the fishing vessel. The incident is still under investigation to ascertain the details and circumstances surrounding the collision between the fishing boat and a still unidentified commercial vessel, “ Tiniyak naman ni Pangulong Marcos na bibigyan ng suports at ayuda ang mga biktima sa insidente.

Read more...