Mga motorista, pinaiiwas sa palibot ng PhilSports Arena dahil sa INC event

By Dona Dominguez-Cargullo June 28, 2016 - 08:48 AM

INC event in Pasig June 28Inabisuhan ng Traffic and Parking Management Office (TPMO) ng Pasig City ang mga motorista na iwasang dumaan sa mga lansangan sa palibot ng PhilSports Arena na dating ULTRA.

Ito ay dahil sa inaasahang pagsisikip sa daloy ng trapiko bunsod ng isasagawang event ng Iglesia ni Cristo (INC).

Batay sa abiso ng TPMO, inaasahan na magsisimulang magdatingan ang makikilahok sa pagtitipon alas 12:00 ng tanghali.

Dahil dito, makararanas umano ng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa St. Martin St., Capt. Henry Javier St., Lanuza Ave., St. Paul Rd., Meralco Ave., at Julia Vargas Ave.

Ang nasabing mga kalsada ay nasa paligid ng PhilSports Arena.

Gagamitin kasing parking areas ang bahagi ng nabanggit na mga lansangan.

 

TAGS: INC event in Pasig City, INC event in Pasig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.