Kaninang alas-4 ng madaling araw, ang sentro ng bagyo ay namataan sa layong 270 kilometro silangan ng Itbayat, Batanes. Taglay nito ang lakas na hangin na 150 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na aabot sa 185 kilometro kada oras. Kumikilos ito sa direksyon na Kanluran-Hilagangkanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras. Ang malakas na hangin na dulot nito ay mararamdaman hanggang 560 kilometro mula sa gitna ng bagyo. Signal No. 3 -Itbayat, Batanes Signal No. 2 -natitirang bahagi ng Batanes, hilagang bahagi ng Babuyan Islands Signal No. 1 -hilagang bahagi ng Cagayan (𝘚𝘢𝘯𝘵𝘢 𝘈𝘯𝘢, 𝘎𝘰𝘯𝘻𝘢𝘨𝘢, 𝘉𝘶𝘨𝘶𝘦𝘺, 𝘚𝘢𝘯𝘵𝘢 𝘛𝘦𝘳𝘦𝘴𝘪𝘵𝘢, 𝘓𝘢𝘭-𝘓𝘰, 𝘊𝘢𝘮𝘢𝘭𝘢𝘯𝘪𝘶𝘨𝘢𝘯, 𝘗𝘢𝘮𝘱𝘭𝘰𝘯𝘢, 𝘊𝘭𝘢𝘷𝘦𝘳𝘪𝘢, 𝘈𝘱𝘢𝘳𝘳𝘪, 𝘉𝘢𝘭𝘭𝘦𝘴𝘵𝘦𝘳𝘰𝘴, 𝘈𝘣𝘶𝘭𝘶𝘨, 𝘈𝘭𝘭𝘢𝘤𝘢𝘱𝘢𝘯, 𝘚𝘢𝘯𝘤𝘩𝘦𝘻-𝘔𝘪𝘳𝘢, 𝘚𝘢𝘯𝘵𝘢 𝘗𝘳𝘢𝘹𝘦𝘥𝘦𝘴, 𝘓𝘢𝘴𝘢𝘮, 𝘎𝘢𝘵𝘵𝘢𝘳𝘢𝘯) -hilagang bahagi ng 𝘈𝘱𝘢𝘺𝘢𝘰 (𝘊𝘢𝘭𝘢𝘯𝘢𝘴𝘢𝘯, 𝘗𝘶𝘥𝘵𝘰𝘭, 𝘓𝘶𝘯𝘢, 𝘚𝘢𝘯𝘵𝘢 𝘔𝘢𝘳𝘤𝘦𝘭𝘢, 𝘍𝘭𝘰𝘳𝘢) -hilagang bahagi ng 𝘐𝘭𝘰𝘤𝘰𝘴 𝘕𝘰𝘳𝘵𝘦 (𝘗𝘪𝘥𝘥𝘪𝘨, 𝘉𝘢𝘯𝘨𝘶𝘪, 𝘝𝘪𝘯𝘵𝘢𝘳, 𝘉𝘶𝘳𝘨𝘰𝘴, 𝘗𝘢𝘨𝘶𝘥𝘱𝘶𝘥, 𝘉𝘢𝘤𝘢𝘳𝘳𝘢, 𝘈𝘥𝘢𝘮𝘴, 𝘗𝘢𝘴𝘶𝘲𝘶𝘪𝘯, 𝘊𝘢𝘳𝘢𝘴𝘪, 𝘋𝘶𝘮𝘢𝘭𝘯𝘦𝘨, 𝘓𝘢𝘰𝘢𝘨 𝘊𝘪𝘵𝘺)
MOST READ
LATEST STORIES