Nagkasundo ang Pilipinas at Lithuania na palakasin pa ang bilateral partnership.
Sa pagprisinta ng credentials ni Lithuanian Ambassador Ricardas Slepavicius kay Pangulong Marcos Jr. sa Malakanyang, sinabi nito na malayo pa ang mararating ng bilateral relations ng dalawang bansa. Ayon kay Slepavicius, parehas ang pag-iisip ng dalawang bansa at patunay ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa panahon ng pandemya at sa pagtulong sa mga mamamayan ng Ukraine. Matatandaang, tumanggap ang Pilipinas ng higit 390, 000 bivalent Covid-19 vaccines mula sa Lithuanian government. Dagdag ng ambassador, bilang mga miyembro ng European Union (EU) at ASEAN, parehong nauunawaan ng Pilipinas at Lithuania ang global challenges na naging daan sa pagiging magkatuwang nito sa pag-unlad. Sinang-ayunan ito ni Pangulong Marcos Jr., na nangako ring patuloy na isusulong ang pagpapalakas sa bilateral partnership ng dalawang bansa. Pormal na naitatag ang diplomatic relations ng Pilipinas at Lithuania noong 1991.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.