Ayon sa seismological institute ng Mexico, naramdaman ang pagyanig hanggang sa Mexico City, kung saan iniulat ang pag-uga ng malalaking gusali.
Marami ring mga empleyado ang lumabas ng kani-kanilang mga opisina nang maramdaman ang pagyanig.
Wala pa namang napaulat na pinsala sa nasabing pagyanig na naganap bago mag alas 5:00 ng umaga kanina oras sa Pilipinas.
Ayon kay Luis Felipe Puente, pinuno ng emergency services, inaalam na nila ang sitwasyon sa mga lugar na nakaranas ng pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES