Dagdag buwis sa junk foods at sweet drinks pag-aralan muna hirit ni Tulfo

By Jan Escosio October 03, 2023 - 03:19 PM
Hinimok ni Senator Raffy Tulfo ang Department of Finance (DoF) na pag-aaralan muna ang binabalak na pagtaas sa mga buwis sa junk foods at sweetened beverages. Nilinaw ni Tulfo kay Finance Sec. Benjamin Diokno ang sinasabing plano sa pagdinig sa Senado sa 2024 budget ng kagawaran.   Ayon kay Diokno ang pagpapataw ng buwis sa tinatawag na “salty and sugary products” ay pinag-aaralan pa lamang at wala pang panukala ukol dito.   Sinabi ni Tulfo na dapat pag-isipan ng husto ang plano dahil aniya ang tatamaan na naman ay ang mga mahihirap, na dahil sa kakapusan ng pera ay nag-uulam na lamang ng chichirya.   Paliwanag pa ng senador kapag siningil ng karagdagang buwis ang manufacturers, ang dagdag nilang gastos ay ipapasa naman sa kanilang konsyumer.   Hirit pa nito sa DOF, dapat ay isipin palagi ang mga mahihirap kung may balakin na magdagdag ng buwis sa mga produkto o serbisyo.

TAGS: finance, news, Radyo Inquirer, Raffy Tulfo, finance, news, Radyo Inquirer, Raffy Tulfo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.