Hontiveros may resolusyon para sa imbestigahan pagpatay sa Pinay worker sa Saudi

By Jan Escosio October 03, 2023 - 01:43 PM
Naghain ng resolusyon si Senator Risa Hontiveros para maimbestigahan sa Senado ang pagpatay sa isang overseas Filipina worker sa Saudi Arabia. Sinabi ni Hontiveros nais niyang maimbestigahan sa Senado ang pagpatay kay Marjorette Garcia upang mapalakas pa ang mekanismo sa pagbibigay proteksyon at seguridad sa mga Filipina na nagtatrabaho sa ibang bansa. Napatay sa mga saksak sa katawan ang 32-anyos household service worker. Noong Setyembre 15 huling naka-usap ng kapamilya si Garcia. Binanggit ng senadora sa inihain niyang Resolution No. 817 na noong 2021, 60 porsiyento ng kabuuang bilang ng OFWs ay babae. Iniulat din ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na 75 porsiyento ng 23,986 na kaso ng pang-aabuso ay kinasasangkutan ng Filipina.

TAGS: news, ofw, Radyo Inquirer, Risa Hontiveros, saudi arabia, news, ofw, Radyo Inquirer, Risa Hontiveros, saudi arabia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.