Price cap sa bigas, inirekomendang bawiin na

 

Inirekomenda na ng Department of Agriculture kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bawiin na ang Executive Order No. 39 na nagtatakda sa P41 ang kada kilo sa regular milled rice at P45 sa kada kilo ng well-milled rice.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Department of Agriculture-Bureau of Plant Director Gerald Glenn Panganiban na base sa indikasyon, gumaganda na ang produksyon ng mga magsasaka ngayon at bumababa na ang presyo ng bigas sa merkado.

Pero ayon kay Panganiban, mas makabubuti kung hihintayin na lamang na i-anunsyo ni Pangulong Marcos ang pagbawi sa EO.

Tiniyak naman ni Panganiban na patuloy na magbabantay ang DA para masiguro na mababa ang presyo ng bigas sa merkado.

Tuloy din aniya ang pagbibigay ng ayuda ng pamahalaan sa mga rice retailers na naapektuhan ng EO.

Nasa P15,000 ang ibinigay na ayuda sa mga rice retailers habang tig P5,000 naman sa mga sari-sari store owner na nagtitinda ng bigas.

Read more...