Sigalot sa liderato ng Comelec, tumitindi

Comelec bldgTatlong Commissioners ng Commission on Elections (Comelec) ang hindi umano makikilahok sa preparasyon para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections na gaganapin ngayong taon.

Ayon kay Commissioner Rowena Guanzon, siya at sina Commissioners Christian Robert Lim at Luie Tito Guia ay nagpasya na hindi makilahok sa preparasyon at operasyon para sa Barangay polls.

Ani Guanzon, makikilahok naman sila sa mga en banc deliberations pero hindi sila makikisali sa mga preparasyon.

Ang nasabing hakbang aniya ay para mas makasentro sila sa mga election cases na nakabinbin sa pinanghahawakan nilang dibisyon.

Maliban dito, mas mabuti ayon kay Guanzon na si Comelec Chairman Andres Bautista na lamang ang manguna at mamuno sa preparasyon.

“[M]y division, ayaw na naming mag-take part sa operations ng barangay elections. Tutal manual naman ‘yan. Sana marunong ako diyan kasi dumaan ako sa manual elections, pero sabi namin ayaw na namin. We’ll just focus on our cases,” ayon kay Guanzon.

Ikinalungkot naman ni Bautista ang nasabing balita. Aniya, umaasa siyang mapag-uusapan nila ang isyu sa en banc meeting ng poll body.

 

 

 

Read more...