Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang national government agencies at local government units na suportahan ang mga aktibidad may kaugnayan sa mga senior citizens.
Ito ay bilang bahagi ng selebrasyon ng Linggo ng Katandaang Filipino o Elderly Filipino Week.
Base sa Memorandum Circular No. 34 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, inaatasan ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) na pangunahan ang pagsasagawa ng mga aktibidad para sa Elderly Filipino Week base na rin sa nakasaad sa Republic Act (RA) 11350) o “National Commission of Senior Citizen Act.”
“All NGAs and instrumentalities, including GOCCs (government-owned or -controlled corporations), GFIs (government financial institutions) and SUCs (state universities and colleges) are hereby directed, and all LGUs are hereby encouraged, to extend full support for and cooperation with the NCSC in the conduct of relevant activities and programs for senior citizens during the annual celebration of the Elderly Filipino Week,” saad ng circular.
Popondohan ang mga aktibidad sa kasalukuyang budget ng mga concerned agencies.
Ipinagdiriwang ang Linggo ng Katandaang Filipino tuwing unang linggo ng Oktubre.