Listahan para sa top 3 posts sa Maharlika Corp. ibibigay na kay PBBM Jr.

By Jan Escosio October 03, 2023 - 09:58 AM

Ngayon linggo mahahawakan na ni Pangulong Marcos Jr.  ang listahan ng mga kandidato para sa tatlong mataas na posisyon ng Maharlika investment corporation (MIC).   Ang mga nasa listahan ay maaring mahirang na president and CEO, regular directors at independent directors.   Ayon kay Finance Sec. Benjamin Diokno  na sa ngayon ay naihanda na ang listahan ng mga kandidato.   Sa pagtatantiya ng kalihim, posibleng sa unang bahagi ng susunod na taon ay maging operational na ang MIC at magsisimula na itong mamuhunan sa mga infrastrucsture projects.    Kinumpirma na rin ni Diokno  na kumpleto na ang pag-remit ng Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines (DBP) ng kapital sa Maharlika Investment Fund.    Bukod sa P75 billion pesos mula sa dalawang state banks, may ambag din na  P31 billion ang Bangko Sentral ng Pilipinas.

TAGS: benjamin diokno, investors, Maharlika, news, Radyo Inquirer, benjamin diokno, investors, Maharlika, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.