Go nanawagan ng mahigpit na hakbang para iwas sa Nipah virus
Hinimok ni Senator Christopher “Bong” Go ang Department of Health (DOH) at iba pang kinauukulang ahensiya ng gobyerno na magpatupad ng mga hakbang para maiwasan ang pagpasok ng Nipah virus (NIV) sa bansa.
Ginawa ito ni Go sa kabila nang pagtitiyak ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na walang Nipah virus outbreak sa bansa.
“Maraming eskwelahan ngayon are suspending classes or shifting to virtual (classes) because of increasing flu-like illness happening among students. In Cagayan de Oro, meron pong nagsuspinde ng klase and apparently may kumalat na Nipah virus yung concern. Upon verification with our regional epidemiological and surveillance unit in Northern Mindanao, wala po silang confirmed na Nipah virus in relation dun sa kumakalat na balita,” ani Go sa pagdinig ng 2024 budget ng DOH.
Banggit naman ni Vergeire ang huling kaso ng Nipah virus sa Pilipinas ay noong 2014.
Ang NIV ay nagmumula sa mga hayop at maaring maihawa sa tao, ayon sa World Health Organization (WHO).
Ayon pa sa WHO mataas ang fatality rate ng sakit sa 50 hanggang 70 porsiyento.
“Mga kababayan ko, nais kong paalalahanan ang kahalagahan ng kalusugan at kaligtasan natin laban sa anumang health threats tulad nitong Nipah virus. Sa panahong ito, hindi natin dapat kalimutan ang mga hakbang na kinakailangan upang mapanatili ang ating kalusugan at kaligtasan mula sa anumang panganib,” bilin ng namumuno sa Senate Committee on Health.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.