Jinggoy gustong pabigatin ang parusa sa “game fixing” sa Philippine sports

By Jan Escosio October 03, 2023 - 07:52 AM

 

Tinitingnan ni Senator Jinggoy Estrada na mas mabigat na kaparusahan sa mga mapapatunayang guilty sa “game-fixing” sa anumang professional o amateur sporting events sa bansa.

“It is imperative that we uphold the true spirit of fair play and athletic excellence, preserving and protecting the integrity of sports activities against dishonesty and corrupt practices,” banggit ni Estrada sa katatapos na 2023 Philippine Professional Sports Summit.

Una nang inhain ni Estrada ang Senate Bill 1641 o ang proposed Anti Game-Fixing Act.

Aniya layon nito na mas maging malawak at malinaw ang kahulugan ng “game-fixing” o kahit anong hakbang na makakaapekto sa resulta ng laro sa pamamagitan ng sugal o taya.

Paliwanag pa niya na ang pagpapalitan ng pera ay ituturing ng “prima facie evidence.”

Ang mga lalabag ay maaring maharap sa pagkakakulong na tatlo hanggang 12 taon at multa mula P1 milyon hanggang P5 milyon.

Habambuhay na pagkakakulong at multa ng P10 milyon hanggang P50 milyon ang maaring ipataw kung ang nilitis ay miyembro ng sindikato.

Ang mga professional players na mahuhuli ay hindi na maaring makapaglaro ng anumang uri ng sports kapag napatunayan ang kanyang pagkakasala.

TAGS: game fixing, Jinggoy Estrada, news, Radyo Inquirer, sports, game fixing, Jinggoy Estrada, news, Radyo Inquirer, sports

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.