Napanatili ng Bagyong Jenny ang lakas habang nasa Philippine Sea.
Base sa 5:00 a.m. advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, namataan ang sentro ng bagyo sa 350 kilometro silangan ng Basco, Batanes.
Kumikilos ang bagyo sa kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Taglay ng bagyo ang hangin na 165 kilometro kada oras at pagbugso na 205 kilometro kada oras.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Batanes.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Cagayan kasama ang Babuyan Islands, ang hilaga at silangang bahagi ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan, Santa Maria, San Pablo, Tumauini, Cabagan, Ilagan City, San Mariano, Santo Tomas, Dinapigue, Benito Soliven, Naguilian, Gamu, Quirino, Delfin Albano, Quezon, Mallig), Apayao, anghilagang-silangang bahagi ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong), hilagang bahagi ng Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, Rizal, City of Tabuk), at Ilocos Norte.
Mamayang 2:00 ng hapon ay inaasahang nasa silangan hilagang-silangang bahagi ng Basco, Batanes ang bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.