Heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa maraming lalawigan sa Mindanao
(UPDATE) Itinaas muli ng PAGASA ang Yellow Rainfall Warning sa labing isang mga lalawigan sa Mindanao dahil sa malakas na pag-ulan na dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Sa abiso ng PAGASA na inilabas alas 8:00 ng umaga ng Martes, sakop ng Yellow Warning level ang mga lalawigan ng Agusan Del Norte, Agusan Del Sur, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Siargao, Surigao del Sur, Compostela Valley, Davao City, Davao del Sur, Davao del Norte at Davao Oriental.
Sa ilalim ng Yellow warning, nangangahulugan na umabot na sa 7.5 hanggang 15 millimeters ang dami ng ulang naibuhos sa nakalipas na isang oras sa nasabing mga lugar na inaasahang tatagal pa sa susunod na dalawang oras.
Dahil dito, nagbabala ang PAGASA ng posibleng pagbaha sa mga mababang lugar.
Inabisuhan din ang mga residente at ang disaster risk reduction and management council na imonitor ang weather condition sa mga nabanggit na lugar at abangan ang susunod na abiso na ilalabas ng PAGASA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.