Anim na porsiyento na mas mataas ang daily average rate ng COVID 19 cases sa bansa nitong nagdaang isang linggo kumpara sa naitala sa sinundan na isang linggo.
Base sa inilabas na impormasyon ng Department of Health (DOH), mula Setyembre 25 hanggang kahapon, Oktubre 1, nakapagtala ng 1,231 bagong kaso.
Bunga nito, ang bagong average na bilang ng kaso ay 176 kada araw.
Sa mga bagong kaso, walo ang malubha o kritikal ang kondisyon, samantalang walang naitalang namatay dahil sa naturang sakit mula noong Setyembre 18 hanggang kahapon.
Hanggang kahapon, may 189 pasyente ang malubha o kritikal ang kondisyon na ginagamot sa ibat-ibang ospital.
MOST READ
LATEST STORIES