Operasyon ng Bicol International Airport balik-normal matapos ang “bomb joke”

By Jan Escosio October 02, 2023 - 06:29 PM

CAAP VIDEO

Nagbalik sa normal ang operasyon sa Bicol International Airport kaninang hapon, ilang oras matapos ang “bomb joke” sa isang eroplano ng Cebu Pacific.

Agad na ipinahinto ang operasyon sa naturang paliparan, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nang madiskubre ang isang note na may nakasulat na “BOMB” sa loob ng isa sa comfor room ng Cebu Pacific flight 5J 326 patungong NAIA.

Agad na pinababa ang 130 pasahero para sa pagsasagawa ng inpections sa eroplano, gayundin sa loob ng airport.

Dinala sa Pre-Departure Area ang mga apektadong pasahero, samantalang ibinaba rin ang kanilang check-in baggages para sa inspeksyon.

Naapektuhan ang 10 pang biyahe ng Cebu Pacific at isang biyahe ng Philippine Air Lines (PAL).

Nakikipag-ugnayan na ang CAAP sa PNP – Aviation Security Group para malaman ang responsable sa “bomb joke.”

 

 

TAGS: Airport, Bicol, bomb joke, CebuPac, international, Airport, Bicol, bomb joke, CebuPac, international

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.