PCSO nagkasa ng world-class automated lottery system

PCSO PHOTO

Inilunsad ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)ang bagong Philippine Lottery System (PLS).

Paliwanag ni General Manager Mel Robles ang bagong sistema ay magagamit sa centralization of sales reports, generation of winning numbers, at para mas mabilis na validation of tickets.

Dagdag pa niya, mas mapapagbuti nito ang kanilang operasyon at para na rin sa “transparency” sa kanilang bahagi at maging sa lotto players.

Ang pagbabago sa world-class class na sistema ay nasaksihan ng mga opisyal ng Commission on Audit (COA).

“We are thrilled to embark on this significant transition towards automation of our system for our lotto games. The Philippine Lottery System Project is a testament to our commitment to innovation and providing the best experience for our valued customers,” ani Robles.

Dagdag pa niya: “Through this joint venture with Philippine Gaming and Management Corporation, Pacific Online Systems Corporation, and International Lottery Totalizator System Inc., we will bring about a new era of efficiency, transparency, and convenience in lottery operations,” he continued. “All lottery operations are now seamlessly integrated into a unified platform,”

Sa nakalipas na dalawang dekada, dalawang systems ang gamit ng PCSO para sa kanilang lotto outlet ticket selling operations –  Philippine Gaming and Management Corporation (PGMC) system para sa Luzon at ang Pacific Online Systems Corporation (POSC) system para naman sa  Visayas at Mindanao.

Ilang taon na ang balakin na magkaroon ng centralized lottery system ngunit sa ibat-ibang kadahilanan kasama na ang COVID 19 pandemic ay naunsyami.

Ang proyekto na nagkakahalaga ng P5.6 bilyon  ay nasimulan na ng nagdaang administrasyon.

“Now, the PLS enables the PCSO to efficiently generate draw results, leading to quicker announcements of jackpot winners and their respective locations. Moreover, the Agency can conduct more advanced draws. The new lottery system has been certified to comply with the World Lottery Association security control standards (WLA-SCS), including the ISO 27001 standards, ensuring the system’s integrity and security,” diin pa ni Robles.

 

Read more...