Clear plastic, mas recyclable material para sa responsible consumption
By Jan Escosio October 02, 2023 - 04:57 PM
Sa pagtama ng COVID 19 global crisis, mas naging maingat na ang mga tao hindi lamang sa kanilang kalusugan kundi maging sa kanilang kapaligiran.
Kasama na ang mga Filipino na naging maingat o metikuloso na sa kanilang pagbili ng mga produkto at ikinukunsidera ang “enviromental friendly,”
Noong 2015, pangatlo ang Pilipinas sa buong mundo sa usapin ng mga plastic sa karagatan, na taon-taon ay .75 milyong metriko ng tonelada ng plastic ang napupunta sa mga katubigan.
May pag-aaral sa bansa, na malaki ang kontribusyon sa “carbon emission” at “plastic waste” ang plastic packaging kayat ipinasa ang RA 11898 o ang Extended Producer Responsibility (EPR) Act.
Nakasentro ito sa waste reduction, recovery, at recycling at sa ilalim nito, responsibilidad ng producers ng plastic packaging ang “life cycle” ng kanilang mga produkto.
Ito ang dahilan kayat pinangunahan na ng Philippine Spring Water Resources, Inc. (PSWRI), ang producer ng nangungunang bottled water brand: Nature’s Spring.
Simula noong nakaraang Abril sinimulan na ng kompaniya ang “colorless cap” sa kanilang Nature’s Spring Purified Drinking Water, Nature’s Spring Distilled Drinking Water, at Nature’s Spring ph9 Drinking Water.
Bahagi ito ng Sustainability Agenda ng kompaniya at isang istratehiya alinsunod sa kanilang pangako na madagdagan ang resusability, recyclability at retrievability ng kanilang plastic packaging.
“With one of the Philippines’ largest producers of bottled drinking water taking on greater responsibilities towards its products and waste, more companies are following and helping the country to achieve its goal of rolling back on its carbon footprint. Truly, necessity is the mother of invention. But social responsibility and unparalleled commitment to the greater development goals of the country are what create a culture of action,” pahayag ng PSWRI.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.