20% discount hiniling ni Lapid na ibigay sa indigent jobseekers

October 02, 2023 - 01:59 PM

INQUIRER PHOTO

Nais ni Senator Lito Lapid na mabigyan ng diskuwento ang mga mahihirap na naghahanap ng trabaho.

Sa inihain niyang Senate Bill No. 2382 o ang oIndigent Job Applicants Discount Act, binanggit ni Lapid na nais lamang niyang masunod ang pamosong pahayag ng yumaong Pangulong Ramon Magsaysay na “He who has less in life should have more in law.”

Paliwanag ni Lapid nakasaad sa kanyang panukalang batas ang pagbibigay ng 20 porsiyentong diskuwento sa mga bayarin sa paghahanap ng trabaho gaya sa kinakailangang mga dokumento mula sa gobyerno, gayundin sa  NBI at police clearances, School Clearance o Transcript of Records, Medical, Marriage at Birth Certificates.

“Nais po nating bigyan ng patas na oportunidad ang ating mga naghihikahos na kababayan para madaling makahanap ng trabaho. Pero hindi mangyayari ito kung papasanin pa nila ang nagtataasang singil ng mga ahensya ng ating pamahalaan bilang bayad sa mga certificates, clearances at iba pa,” ani Lapid.

Paniwala ng senadior na mahahango sa kahirapan ang isang pamilya kung may trabaho ang sinomang miyembro nito.

Kinakailangan lang ng certifcate of indigency mula sa lokal na pamahalaan para sa diskuwento.

Paalala lang din ni Lapid na may parusa sa mga manloloko para makakuha ng diskuwento.

Nabatid na ang counterpart bill ng panukala sa Kamara ay lumusot na third and final reading noong nakaarang Mayo.

 

TAGS: discount, job, mahirap, discount, job, mahirap

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.