“Narco-politician” sinisilip sa Subic P3.6-B shabu haul

By Jan Escosio October 02, 2023 - 11:56 AM

DOJ PHOTO

Inaalam na ang maaring pagiging aktibo ng isang pulitiko, na kabilang sa narco-list,’ ng nakalipas na administrasyong-Duterte.

Hindi isinasantabi ang posibilidad na ang pulitiko ang responsable sa naipuslit na 530 kilos ng shabu, na may halagang P3.6 bilyon, mula sa Subic Bay Freeport at nadsikubre sa Mexico, Pampanga.

Iprinisinta pa ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla ang mga nasamsam na droga.

Nasabat ang mga droga sa pagtutulungan ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ubic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Base sa ulat, ang mga naturang kontrabando ay lulan ng barkong Sitc Sekou na mula bansang Thailand at dumating sa   Subic Port noong Setyembre 18.

Sa pangangasiwa ni SBMA Chairman and Administrator Jonathan Tan, nag-plano ang mga awtoridad  ng “controlled delivery operation.”

Wala sa mga banyaga na sinasabing responsable sa shabu smuggling ang naaresto at ito ang labis na ipinagtataka ng mga awtoridad.

“Successful na sana ang operation dahil namonitor ang mga droga pagpasok at paglabas ng Subic. Pero bakit walang nahuling suspect?” sabi ng isang intelligence officer.

Isinama ang droga sa mga chicharon, tuyo at tsaa kayat hindi umano naamoy na ng drug-sniffing dogs.

Pinag-uusapan na may kamay ang pulitiko, na sinasabing malapit sa dating opisyal ng SBMA at kabilang sa drug matrix ng nakalipas na administrasyon.

Magugunita na pag-upo ni dating Pangulong Duterte noong 2016, isang “floating shabu lab” ang nadiskubre malapit sa Subic, na nagresulta sa pagkaka-aresto ng apat na Chinese citizens.

TAGS: DOJ, duterte, narcolist, shabu, Subic, DOJ, duterte, narcolist, shabu, Subic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.