Villar naniniwalang mahalaga ang Mindanao sa pag-unlad ng Pilipinas

OSCAV PHOTO

HIndi makakaila na kabilang ang Mindanao sa pag-asa para sa pag-unlad ng Pilipinas.

Ito ang paniniwala ni Sen. Cynthia Villar at kanyang ibinahagi sa 25th Davao Agri-Trade sa SMX Convention Center.

“Davao Region is still the top coconut-producer which contributed 14.4% to the country’s total production. Zamboanga Peninsula followed with 13.6% and then Northern Mindanao with 12.9%,” banggit ng namumuno sa Senate Committee on Agriculture.

Aniya marami siyang isinulong na panukala sa Senado na ngayon ay ganap ng mga batas at napapakinabangan na sa sektor ng agrikultura.

Para sa Mindanao, binanggit niya ang RA 11547 na nagdeklara sa Davao City bilang “Chocolate Capital” at Davao Region na “Cacao Capital” ng Pilipinas.

Gayundin ang Agriculture, Fisheries and Rural Development Financing Enhancement Act of 2022 na nagpawalang bisa sa Agri-Agra law para sa mga lending program ng agrarian reform beneficiaries at iba pang magsasaka.

Paliwanag niya na nakasaad sa bagong batas, ang pagkakaroon  ng agriculture, fisheries at rural development financing system na kinapapalooban ng mga utang at investment upang bumuti  ang productivity at kita ng mga magsasala, mangingisda at  iba pang beneficiaries.

Samantala, para naman  suportahan ang pamahalaan na makumpleto ang  kanilang inisyatabong pang-agraryo at mapabuti ang land tenure system, sinabi ni Villar na ipinasa niya ang New Agrarian Emancipating Act na nagpawalang bisa sa P57.65 billion utang at  610,054 magsasaka ang nakinabang dito.

“Aside from freeing them of their debt, under the Rice Tariffication Law for rice and the Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act (CFITFA) for coconut farmers, which she  also passed, tariffs collected from rice imports go to the Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) which provides machineries, inbred rice seeds, training and loans to farmers. Collections in excess of the P10 billion funds go to the Rice Farmer Financial Assistance,” dagdag pa ni Villar.

 

 

 

 

Read more...