Revilla bill para sa senior citizens lusot sa Senado

By Jan Escosio October 02, 2023 - 08:00 AM

SENATE PRIB PHOTO

Kasabay nang paggunita ng kanyang ika-57 kaarawan, pumasasa ikatlo at pinal na pagbasa amg panukala ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., na magbibigay ng karagdagang benepisyo sa mga matatandang Filipono na nasa edad 80 hanggang 99.

“Sobrang tayong nagagalak at nagpapasalamat sa pagkakapasa ng ating una at prayoridad na panukala na tinatawag na nga nila ngayon na ‘Revilla Bill’. Ito ay patunay sa pagpapahalaga, pagmamahal, at pagkalinga sa ating mga lolo at lola,” the veteran lawmaker said. “Nagkataon pang mismong birthday ko ito naaprubahan ng Senado, kaya ito ang pa-birthday natin sa kanila,” ani Revilla, ang awtor ng Senate Bill 2028.

Nabatid na nakakuha ang panukala ng 20 boto at walang pagkontra sa kahit isang senador.

“Nagpapasalamat tayo kina Senate President Migz Zubiri at Senator Imee Marcos sa kanilang malaking tulong upang maipasa natin sa Senado itong napakamakabuluhang panukala na ito. Ito ay handog natin sa ating mga nakakatandang mga kapwa na malaki ang naging ambag sa ating bansa noong panahon ng kanilang kalakasan,”  sambit pa ng senador.

Paliwanag niya nakasaad sa panukala, na ang mga Filipino na aabot ng 80 ay bibigyan ng P10,000 at P20,000 naman sa aabot ng 90. Samantalang P100,000 sa mga tutuntong sa edad 100 at sulat mula sa pangulo ng bansa.

Sa ngayon, tanging ang mga nasa edad 100 lamang ang may cash gift at aniya sa panahon ngayon pambihira na ang umabot sa edad na 80 pataas.

“Masaya tayo sa development na ito kasi sa totoo lang, sa kasalukuyan, masyado nang matanda ang mga benepisyaryo bago pa nila matanggap at ma-enjoy ang ibinibigay ng gobyerno na monetary gift sa kanila. Yung iba nga e baka hindi na naiintindihan kung anuman yung natatanggap nila. Kaya intinulak talaga natin na ma-advance sana kahit papaano para ma-enjoy pa nila,” dagdag paliwanag pa ni Revilla.

 

TAGS: cash gift, Revilla, senior citizens, cash gift, Revilla, senior citizens

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.