Bagyong Jenny bumagal

 

Bumagal ang Bagyong Jenny habang kumikilos sa hilagang-kanluran ng Philippine Sea.

Base sa 5:00 p.m. advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, namataan ang sentro ng bagyo sa 995 kilometro ng silangan ng Central Luzon.

Taglay ng bagyo ang hangin na 65 kilometro kada oras at pagbugso na 80 kilometro kada oras.

Kumikilos ang bagyo sa  hilagang-kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Wala pa namang tropical cyclone wind signal na ibinababala ang Pagasa.

Pero maaring palakasin ng bagyo ang Southwest Monsoon.

Read more...