Forthsky Padrigao ng Ateneo, lipat bakod na sa UST

By Chona Yu September 30, 2023 - 01:12 PM

 

Lumipat na sa University Sto. Tomas ang basketball player ng Ateneo de Manila University na si Forthsky Padrigao.

Ito ay matapos ang kontrobersiyal na pag-alis ni Padrigao nang  hindi makapaglaro para sa UAAP Season 86 sa Ateneo dahil sa acacemic deficiencies.

Mismong si Fr. Rodel Cansancio, ang UST Athletic Director ang nagkumpirma na bahagi na ng kanilang koponan ngayon si Padrigao.

Ayon kay Cansancio, si Padrigao ang lumapit sa UST at humingi ng ikalawang pagkakataon na makapaglaro ng basketball.

Pinatunayan aniya ni Pagrigao na nagsisisi na siya sa mga pagkakamali at pinatuyang natuto na siya.

Ayon kay Cansancio, nakahanda naman ang UST na gumabay sa mga estudyante.

Sa UAAP Season 87 pa maaring makapaglaro si Padrigao at may dalawang taon pa ito sa UST.

 

 

 

TAGS: Ateneo, news, Radyo Inquirer, UAAP, UST, Ateneo, news, Radyo Inquirer, UAAP, UST

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.