Kapatid ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, pumanaw na

(Courtes: Senador Bong Go)

Pumanaw na ang kapatid ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Jocelyn Duterte-Villarica.

Base sa Facebook post ni Senador Bong Go, pumanaw ang kapatid ng dating Pangulo kahapon, Setyembre 29 sa Cavite.

Ayon kay Go, personal silang nagtungo ng dating Pangulo sa bahay ni Duterte-Villarica.

Sabi ni Go, kasama ni Duterte-Villarica sa kanyang mga huling sandal ang anak na sina Bambino at Vince, nurse, at iba pang kasama sa bahay.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Go sa naulilang pamilya ni Duterte-Villarica.

 

Read more...