Food Stamp Program palalawakin ni Pangulong Marcos

By Chona Yu September 30, 2023 - 11:09 AM

 

Palalawakin pa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Food Stam Program ng Department of Social Welfare and Development.

Ayon sa Pangulo, dadalhin ang naturang programa sa kasuluk-sulukan ng Pilipinas.

“I have to say that it’s proceeding smoothly and we will be upscaling it within the next month or so. We are aiming at the next face of this rollout, we are already looking to 3,000 families to be beneficiaries,” sabi ni Pangulong Marcos.

Nagtungo sa Siargao kahapon si Pangulong Marcos para bigyan ang 50 benepisyaryo ng Food Stamp Program. Laman ng Electronic Benefit Transfer (EBT) cards ang P3,000 na food credits

Nagpasalamat ang Pangulo sa international sponsors gaya ng United Nations’ World Food Programme, Asian Development Bank (ADB) at gobyerno ng France sa pagbibigay ng US$3 milyong pondo para sa naturang programa.

“So far, maganda naman kasi. Maganda ‘yung programa na ginawa ng World Food Programme,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Pilot program pa lamang ang ginagawa ngayon ng pamahalaan kung saan nasa 3,000 pamilya mula sa Tondo, Manila; Dapa, Siargao; San Mariano, Isabela; Garchitorena, Camarines Sur; at Parang, Maguindanao ang nabigyan ng ayuda.

 

TAGS: ayuda, Ferdinand Marcos Jr., food, mahirap, news, Radyo Inquirer, stamp, ayuda, Ferdinand Marcos Jr., food, mahirap, news, Radyo Inquirer, stamp

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.