56 patay sa suicide bombings sa Pakistan

Patay ang 56 katao matapos ang suicide bombings sa dalawang religious ceremonies sa  Balochistan province sa Pakistan.

Ayon saa ulat, mahigit 50 katao naman ang nasugatan at isinugod sa pagamutan.

Nabatid na unang nagkaroon ng pagsabog sa religious procession sa Mastung District.

Makalipas ang isang oras, pinasabugan naman angmosque sa Peshaway City kung saan apat katao ang nasawi at nasugatan ang 11 iba pa.

Wala pa namang grupo ang umaako sa pag-atake.

Read more...