Pagpapalaya sa 4 Chinese nationals idinulog na sa korte
By Jan Escosio September 29, 2023 - 06:23 PM
Nagpasaklolo na sa korte sa pamamagitan nang paghain ng writ of habeas corpus ang kampo ng apat na Chinese citizens na ilegal ang pagkakakulong sa Paranaque City.
Sinabi ni Atty. Iris Sylvia Bonifacio na layon ng kanilang hakbang na mapalaya na ang apat na Chinese nationals na inaresto noon pang Setyembre 16.
Kinilala ang apat na sina Miao Ying, Hu Yi, Ling Langping at Li Huanhuan.
Kabilang sila sa pitong Chinese nationals na inaresto ng mga tauhan ng Southern Police District – Special Operation Unit sa isang condominium. Ani Bonifacio patuloy na nakakulong apat sa kabila nang wala pang reklamo na naisasampa laban sa kanila sa City Prosecutors Office. Una na ring sumulat ang abogado sa mga awtoridad ngunit nabalewala lamang ito sa hindi pa malinaw na kadahilanan. Diin niya, legal ang mga dokumento ng apat at pinatunayan na ito ng Bureau of Immigration, nagbigay na rin sa kanila ng clearance. Pagbubunyag pa ni Bonifacio may pagtatangka nang hingian ng pera ang kanyang mga kliyente para sa kanilang kalayaan. Nangangamba ito na lubos nang maaapektuhan ang pag-iisip ng apat sa patuloy na pagkakakulong sa hindi pa malinaw na kadahilanan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.