Sen. Bong Revilla umapila para sa “no work, no pay It’s Showtime” workers
By: Jan Escosio
- 1 year ago
Nanawagan si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., sa Office of the President (OP) na ikunsidera ang mga “mo work, no pay” na manggagawa ng noontime show “Its Showtime.”Pinangunahan na ni Revilla ang pakiusap sakaling umabot sa Malakanyang ang apila ukol sa suspensyon ng naturang programa.Una nang ibinasura ng Movie, Television Review and Classification (MTRCB) kamakailan sa motions for reconsideration ng ABS-CBN Corp., at GMA Network para sa noontime show.“Without getting into the merits of the case, sana na-consider ng MTRCB ang kapakanan ng mga malilit na staff at crew ng naturang show na wala naman kinalaman at kasalanan sa mga nangyari,” paliwanag ni Revilla Jr.Kumpiyansa ang senador na sa muling pag-apila ng dalawang networks ay iiral na ang “humanitarian considerations.”May 15 araw pa ang programa upang iapila sa OP ang desisyon ng MTRCB.Naniniwala din si Revilla na marami nang natutuhan na leksyon sa insidente.“Pero kung anuman ang kasalanan ni Juan ay hindi kasalanan ni Pedro. So I hope we don’t punish those working hard day-in, day out just to eke out a living,” dagdag pa ng senador.