Philhealth website gumagana muli matapos ang cyberattack
By Jan Escosio September 29, 2023 - 05:18 PM
Alas-12 kaninang tanghali nang muli buksan ang website at member portal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Kasunod ito nang nangyaring cyber attack sa pamamagitan ng Medusa ransomware noong Setyembre 22 kayat nag-abiso ang Department of Information and Communication Technology (DICT) na o-“shutdown” muna ang application system upang hindi na kumalat ang virus.
Itiinanggi na rin ng Philhealth na nakompromiso ang mga detalye ng mga miyembro.
Inaasahan na ngayon din araw at muli na rin gagana ang e-Claims system ng ahensiya.
Naninindigan din ang Philhealth na kahit kailangan ay hindi susunod sa anumang “ransom demand” ang gobyerno.
Tiniyak na rin ng ahensiya sa publiko ang integridad at seguridad ng kanilang databases at hindi maaapektuhan ang mga benepisyo dahil sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.