Rice price cap posibleng palawigin hanggang Oktubre

 

Nagparamdam na ang Department of Agriculture (DA) sa posibleng pagpapalawig ng umiiral na “price cap” sa bigas.

Sinabi ni Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban na inirekomenda na ito kay Pangulong Marcos Jr., kamakailan at wala pang tugon ang Punong Ehekutibo.

Sinabi pa ng opisyal na ang paglimita sa presyo ng bigas sa bansa ay maaring umiral kasabay ng panahon ng anihan sa bansa hanggang sa magkaroon ng bigas na maaring ipagbili ng P38 kada kilo.

Maari din aniyang magpatuloy ito para makaagapay ang maraming konsyumer.

“Yung price cap naman at least ₱41, ₱45 will be the basis. It should not be going up as far as the price of rice is concerned,” ani Domingo.

Naging epektibo ang price cap na P41 sa kada kilo ng regular milled rice at P45 naman sa well-milled rice.

Samantala, binigyan ng ayuda ang ilan rice retailers at walang katiyakan kung mauulit ito kung mapapalawig pa ang ipinatutupad na limitasyon sa halaga ng bigas.

Read more...