Dagdag ayuda sa PUV modernization program nais ni Gatchalian
Nanawagan si Senator Win Gatchalian na karagdagang subsidiya mula sa gobyerno para sa modernization program ng public utility vehicles (PUVs).
Ginawa ito ng senador sa pagdinig ng 2024 proposed budget ng Department of Transportation (DOTr).
Puna ni Gatchalian itinutulak ng gobyerno ang modernisasyon ngunit walang budget para sa ayuda sa susunod na taon.
Aniya ang bawat modernized PUV ay nagkakahalaga ng P2.4 milyon hanggang P2.8 milyon.
Paliwanag ng senador kung mabibiyayaan ng subsidiya maaring maabot ang 100% modernization.
Isa kasi aniya sa mabigat na dahilan sa posisyon ng mga operator at driver ang mataas na halaga ng mga produktong-petrolyo kayat nahihirapan silang magbahagi ng pambayad sa kanilang “boundary.”
Tiniyak naman ni Transportation Sec. Jaime Bautista na patuloy silang magbibigay ng subsidiya sa PUV operators at drivers para mapalitan ang kanilang mga lumang units.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.