Industrial building sa Valenzuela City nasunog

By Jan Escosio September 29, 2023 - 11:16 AM
Natupok ang malaking bahagi ng isang industrial building sa Valenzuela City ngayon umaga. Base sa paunang impormasyon, nagsimula ang sunog sa Virces General Construction Co., na nasa Barangay Canumay West pasado alas-8 kanina.   Alas-8:35 nang itaas ang 1st alarm, umakyat sa 2nd alarm ng alas-8:55 at alas-8:57 nang ideklara ang 3rd alarm.   Nagdeklara naman ng “fire under control” alas-9:28 at nagpapatuloy pa ang pag-apula sa sunog.   Wala pang ulat ukol sa naging ugat ng sunog ang arson investigators ng City Fire Department, gayundin ang halaga ng napinsalang ari-arian.

TAGS: news, Radyo Inquirer, sunog, valenzuela, news, Radyo Inquirer, sunog, valenzuela

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.