Pusher patay sa Bohol; Dating pulis arestado sa Pangasinan dahil sa droga

By Kathleen Betina Aenlle June 28, 2016 - 04:20 AM

 

police-line1Nabaril at napatay sa isang buy-bust operation ang isang hinihinalang nagbebenta ng shabu sa bayan ng Panglao sa Bohol, matapos nitong lumaban sa mga pulis.

Ayon kay PO1 Rommel Villareal, tama ng bala sa ulo ang ikinamatay ng suspek na si Cloyde Loreniana Quijada.

Aniya, bumunot ng baril ang suspek na naging hudyat para sa mga pulis na makipagpalitan na ng putok sa kasagsagan ng operasyon nila sa Barangay Danao, ganap na alas-2:35 ng hapon ng Lunes.

Si Quijada aniya ay nasa ikalawa sa kanilang watchlist bilang isang level 2 pusher sa Panglao na madalas dinarayo ng mga turista sa probinsya. Nakumpiska sa kaniya ang cal. 38 na baril, bala, P500 na marked money at tatlong malalaking sachet ng shabu pati na mga drug paraphernalia.

Samantala, isang dating pulis naman ang arestado Lunes ng hapon sa Calasiao, Pangasinan matapos mahuli sa akto habang humihithit ng shabu.

Nasibak sa serbisyo si Wilson Ballesteros na nakatalaga sa Calasiao Police Station dahil sa pag-absent without leave.

Ayon kay Supt. Christopher Abrahano, mula nang mawala sa serbisyo si Ballesteros noong 2015 ay naging kabilang na ito sa listahan ng kanilang mga drug personalities.

Sinugod ng mga pulis dakong alas-5 ng hapon ng Linggo ang isang kubo na kinaroroonan ni Ballesteros matapos silang makatanggap ng sumbong mula sa isang informant at doon na nahuli ang dating pulis habang nagsha-shabu.

Naihanda na ang mga kaso laban kay Ballesteros.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.